Nakakatawa dahil ung mga nasa gobyerno ay pilit na isinasaksak sa pag-iisip ng mga mamamayan na ang pagbaha ng isang lugar ay dahil sa walang maayos na daanan ang tubig ulan o di kaya naman ay nababarahan ng mga basurang di maayos na napapamahalaan ang pagtatapon.
Maaring tutuo ang mga nabanggit na dahilan subalit ito ay napakababaw at rason lamang ng pamahalaan upang maiwasan ang mas tunay, malawak at masalimuot na dahilan: ang pag-iinit ng mundo o global warming. Dahilan sa pag-iinit ng mundo ay natunaw ang trilyong tonelada ng yelo sa Artika at Antartika bagay na nagpataas ng tubig dagat. Kung ating susuriin ang karagatan ang pinal na imbakan ng tubig ng mundo sapagkat ang mga lugar na ito ang pinakamababa sa mundo. Matatandaang katangian ng tubig na umagos sa pinakamababang bahagi ng mundo kung kaya sa pagtaas ng level ng dagat ay wala ng huhugusan ang tubig kundi sa mga lugar na kalevel ng karagatan. Ito ang tinatawag nating BAHA !